HOME | DD

manongjoseph — imbisibol
Published: 2006-07-20 13:18:30 +0000 UTC; Views: 558; Favourites: 0; Downloads: 5
Redirect to original
Description marahil isa lang ang ninanais... isa lang ang gustong matamasa... maging masaya.

imbisibol

mga tao sa paligid
sa aki'y sumasalamin
bawat pagalaw,
tanging napapansin

ngunit sa aking pagtanong
bakit ayaw sumagot
sa bawat pag-hiyaw
tila parang salamin,

walang buhay
walang imik
nanonood lamang
sa aking pagbagsak.

walang imik,
hindi man lang sumagot
wala ni isang salita
utos ang sarili na lamang

kilala ko ba ang sarili ko?
muling tumitingin sa loob...
mas lalo nalulugmok.
parang nagiisa.

ubos na ang lakas
ubos na ang pag-asa
ubos na ang hininga
tatahimik na lamang...

tatahimik... tatahimik...
parang hangin na
walang nakakapansin
lilipas ang lahat...

titiisin ko na lamang...
salami'y babasagin
matakot ka man sakin
ako na lama'y lalayo..
Comments: 0