HOME | DD
Published: 2008-08-08 13:12:48 +0000 UTC; Views: 1463; Favourites: 0; Downloads: 30
Redirect to original
Description
* Mood: Shame* Listening to: Tenacious D - Classico
* Watching: Tenacious D - Classico (video)
* Eating: nathing
* Drinking: nathing
My lab for graphic novels and the absence of my laptop has inspired me to go back and practice the basics of Drawing..
SKETCHING, penciling or watever you like to call it..XD
artist i look up to for sketching..
i'll be studying Anatomy and other pencil sketching techniques.. but i guess i'll be focusing on Crosshatching..TT_TT
ill be visiting comic odyssey again this afternoon, UMBRELLA ACADEMY!
woot,
it's a graphic novel, correct me if I'm wrong, written by Gerard Way, My chemical romance's vocalist.. i heard its a mixed Series of unfortunate events and Hellboy kind of story..
Comic Odyssey = Hea-ven..^_^
oh and by the highway, today is 8.8.08!
olympics!
good luck to all Filipino athletes!
and maybe you should consider doing something crazy today that you don't usually do, so you could have something to remember this day..^_^ go crazy with it..
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
edit:
Wrote that upper part earlier this day at 11:31 AM, before I went out with my good friend to do a field research on Window Display design.
I was thinking about the 8.8.08 part of my journal all day, do something crazy to remember this day blah blah.. andicantthinkofanythingtodotorememberthatday.
So we did the field research, my friend came at about 2 PM, pwede tagalog na? ang hirap mag english e. nakakaEPISTAXIS. Pagdating ng friend ko naabutan pa niya kong nagiinternet, 3 PM na kami nakaalis. Pagkatapos nun, kwentuhan, kamustahan, boy talk, alam na.. sakay ng bus.. kwentuhan.. baba ng bus.. kwentuhan.. hanggang sa marating na namin yung window display ng department store ng mall na nakaassign samin. Halos 20 minutes din kaming nagmukhang t*anga, may hawak na measuring tape, nagsusukat ng window display SA MALL, nagpipikchurpikchur SA MALL, buti na lang at hindi na namin kinailangang magpose sa tapat ng window display para hindi obvious na yung window display ang kinukuhanan namin, bawal daw kasi yun. Pero mabait naman yung guard dun at hinayaan na lang kaming magmukang t*anga. Nawili sa kakasukat at kakapikchur, pinabayaan na lang din namin yung mga tao sa mall na nakakakita saming mga mukang t*anga. Natapos din naman kami sa pagmumukang t*anga, tapos may dalawang chiks na nakakuha ng atensyon namin, pumasok sa isang botique malapit dun sa window display na pinipikchuran at sinusukat namin. Papasok din sana kami, kaya lang pangbabae yung botique, mahahalata kaming sinusundan namin sila. Kaya Hindi na lang kami pumasok, Naghanap na lang kami ng ibang chiks. Tapos na kaming magpikchurpikchur at magpakamukang t*anga, kaya napagdesisyunan naming maglibotlibot muna at maghanap ng selpon.. at chiks. Nahanap naman namin yung hinahanap niyang selpon, kaya pumunta na kami ng HEAVEN.. sa Comic Odyssey. Naglaway at nangarap na maiuwi lahat ng comics na binibenta nila. Nagtanongtanong ng title, nagfeeling close dun sa sales lady dun, alabher, alam nya yung mga binebenta nya. Kaya kahit malayo yun, dadayuhin at dadayuhin ko yun. Pati yata yung friend ko naimpluwensyahan ko nang bumili ng Graphic novel. Pag nakaipon na ko chaka ko babalik dun. Meron sila nung Umbrella Academy! yung sinulat ni Gerard Way ng My Chemical Romance, yung susunod kong target. Nakipagusap pa ko kay ate sales lady, ok sya, bery accommodating. Pagkatapos naming maglaway sa mga Manga, Graphic novel at magazine dun, napagtanto naming kelengan nang gumising sa panaginip, kelangan ng bumitaw sa mga shelves ng graphic novel.. dahil wala kaming pera. Pero hindi naman kami umuwing luhaan dahil may naiuwi naman ako kahit papano, mga Plastic para dun sa Alex Ross graphic novel collection ko.
E nagutom, nagShawarma with C2 muna kami habang nakikinig ng mga kanta ni NYOY VOLATE..VOLANTE pala. May album tour yata kasi sya dun, e malapit yun sa kinakainan naming foodcourt, kaya no choice. ohh.. i lab shawarma, pangalang pa lang napakaexotic na, parang pangalan ng stripper na arabo. All beef Shawarma. Gusto ko sana yung may gulay e, kaya lang napeer pressure ako, allbeefshawarma kasi yung inorder nung kasama ko. Nilasap ko nang mabuti yung shawarma kong yun, dinahandahan ko ang pagkain, savouring each and ebry bite. Tapos nakakita na naman kami ng chiks, sa tabi lang nung kinakainan naming table. Busog na busog kami.. sa shawarma. Dahil sa sobrang busog, kelangan din naman naming umuwi. Palabas na kami ng mall tsaka namin nakita yung tumpok ng mga taong nakapabilog sa tapat ng supermarket, autograph signing pala nung latest front page model ng FHM..mmmmmm.. FHM. alam na uli. wala pa naman yung model, pero ang dami na kagad nakapalibot dun sa spot ng autograph signing. Sa sobrang Curious naming dalawa, nakiusyoso din kami sa mga taong nakikiusyoso. Wala pang tatlong minuto, narealize ko na kung anong ichura namin dun sa pinipilahan namin.
FHM + BOYS + PILA = PERVERT
Kaya umuwi na kami. hindi na namin hinintay yung Model.
Sumakay ng bus.. bayad sa kundoktor, namali pa ng singil samin dahil dapat sa Legarda lang kami bababa, ang narinig niya Quiapo. Umupo.. kwentuhan ng konti.. nagpahinga.. Maramirami rin yung mga nakasakay sa bus, yung iba galing sa trabaho, lakwatsa, at kung anong "business" nila. May mga hindi maupuang upuan dahil napapatakan ng tubig galing sa aircon, kaya may ilang nakatayo na lang.. Unang napansin ko yung manong na mukang galing sa trabaho, mukang Padre de Pamilya. Wala nang upuan..yung iba basa, naisip ko nang tumayo para paupuin si manong. Dahil galing sa trabaho, alam kong pagod sya, at wala nang mas sasarap pa sa pagpapahinga nung mga oras na yun. Tatayo na sana ko, kaya lang nagdalawang isip pa ko. Baka akalain nung mga taong nasa bus, pasikat ako o ano pa man. kaya sa sobrang kat*angahan at sa takot sa iisipin ng iba, hindi na lang ako tumayo.
May nakuha naman siyang upuan pagkatapos nun, may ibang bumaba, at may iba rin namang sumakay. Dun sa mga bagong sakay, kasama yung tatlong babaeng nursing (kung hindi ako nagkakamali). Yung dalawa sa kanila nakakuha ng upuan, pero yung isa naiwang nakatayo. Ayan na naman, Lord is this a sign? its the thought that counts naman diba? mga ilang segundo rin akong nagpatumpiktumpik at nagdalawang isip, saktong patayo na ko ng upuan ko para paupuin si ate, sakto rin yung lalakeng nakaupo sa harap nya na nagoffer din ng seat niya, yun yung pinili ni ate kaya umupo na lang ako. *sayang lord* pagtayo nung lalake para paupuin si ate, sobrang dikit nung lalake, walangya, akala ko pa naman gentleman ka, tapos eto ka ngayon at mukhang nangchachansing? halata mo naman kung nangchachansing o hindi dahil hindi naman masikip dun sa bus na sinasakyan namin para ipitin niya ng ganun si ate. At di rin naman gaanong umaalog yung bus para sumandal sya kay ate ng nakaharap. Wala na, nangyari na eh, may upuan na rin naman si ate. Bumaba na rin si kuya kaya hinayaan ko na lang. Matapos yun, lumipat din ng upuan si ate, dun sa tabi nung iba niyang kasamang nursing. Malapit na kaming bumaba nung kasama ko nang bigla kong marinig yung boses ni ate na pinaupo nung lalakeng mukhang nagchachansing.
"Nawawala yung Cellphone ko!"
Chaka ko narealize na yung kuya na mukhang nangchachansing e mandurukot pala.
Halos gumuho rin ang mundo ko matapos kong mapagkabitkabit ang mga pangyayari. NAILIGTAS ko sana si ate mula dun sa snatcher kung hindi ako nagdalawang isip na magoffer kay ate na dun na lang siya umupo sa upuan ko at tatayo na lang ako. Hindi sana ko naunahan ni kuya snatcher/manyakis. Malapit na kami sa bababaan namin, habang si ate nagluluksa na dahil sa nawawala niyang selpon. May nagawa sana ako nun kung hindi ko lang inisip ang iisipin ng iba tungkol sakin. Magmukha na kong pasikat, wag lang sana makuha yung selpon ni ate. Pakiramdam ko tuloy nawalan din ako ng selpon. Sorry ate kung nasan ka man ngayon. Mas masahol pa sa mapagbintangang manyakis ang pakiramdam ko ngayon.
kaya sumulat ako kagad nito para maglabas ng pagkabadtrip. BADTRIP! bwakananginang magnanakaw yun! mga hayup!
on the brighter side, Salamat dun sa Snatcher, nagkaron ako ng bagay na aalalahanin para sa araw na to (8.8.08).
Natuto pa ko na wag magdalawang isip kung gagawa nang mabuti.
"aking napatunayan, na nasa huli ang pagsisisi..
para bang gusto kong umiyak,
ngunit para san pa wala namang magagawa,
sayang.."
-Parokya ni Edgar
No Comments | Previous Journal Entries








