HOME | DD
Published: 2008-08-20 11:25:50 +0000 UTC; Views: 1306; Favourites: 0; Downloads: 105
Redirect to original
Description
Lumilipad na kotse, natutuping bahay, sapatos na nagiging telepono, saranggolang nakokontrol, at inodorong nagfaflush ng kusa pagkaptapos mong tumae. Mga rebolusyonaryong kagamitan na hindi malabong maisakatuparan kung teknolohiya ang paguusapan.Mula black and white hanggang flat screen na colored TV, Abacus hanggang Kompyuter, mula ordinaryong plantsa hanggang platsang may TV, masasabing malayo na ang narating ng teknolohiyang nagpagaan at nagpadali ng buhay natin. Ngunit sa bilis ng pagbabago sa mga kagamitang pangteknolohiya, nadaragdagan lamang nito ang mga bagay na dapat nitong pinadadali, ang resulta – TECHNOLOGY STRESS.
Naging pangunahing usapin sa panahon natin ang problema sa STRESS, gayong tiyak na mas masahol pa ang stress na dinanas ng mga ninuno natin noong panahon nila. Gaano ba tayo kadalas tumakbo mula sa nagwawalang hayop na kinakailangan mong iuwi para ulamin? O humarap sa pisikal na banta ng kalikasan gaya ng mga sinaunang tao? madalang. Gayunpaman, ang mabilis na pagbabago sa teknolohiya natin -- kumpara sa nagwawalang hayop na tinatakbuhan ng mga sinaunang tao na kumakalabit sa mekanismong “fight or flight” na naging dahilan kung paano nakaligtas sa listahan ng mga endangered species ang lahi natin -- ay hindi solusyon sa problemang pangteknolohiya. Kailangan mong harapin ang katotohanang parte na nang sistema natin ngayon ang mga ito. Fight lang nang fight, bawal ang flight dahil alam kong mas mataas ang level ng IQ natin kesa sa mga makinang tayong mga tao lang din naman ang gumawa.
Kung hindi ka na makapaniwala sa mga teknolohiyang pumapalibot satin, wag kang magalala, nasa earth ka pa. Hindi sagot ang magtago sa kweba mo at manatili sa kung ano ang kinasanayan na. Kinakailangan mo lamang huminga ng malalim at pagtuunan ng kaunting oras para intindhin ang mga makabagong teknolohiyang nasa harap mo. Sundin ang mga sumusunod na stratehiya para sa mas swabeng pakikisalamuha sa mga makabagong teknolohiya.
Wag magpapasindak.
Kung nahaharap ka sa sitwasyong halos maparalisa ka na sa takot, ang pinakamasaklap na maaari mong gawin ay ang magpasindak. Kapag nasindak o nagulantang ka, nawawala ang kakayahan mong mag-isip ng matino. Kaya huminga ng malalim at manatiling kalmado.
Rasyonal na tingnan ang mga bagay na nasa harap mo, panatilihin ang atensyon dito at makikita mong ikaw mismo ang madaling makakaresolba nito.
Tingnan itong mabuti at subukang alamin kung ano ang mali o problema nito. Baka brown out, baka hindi mo nasaksak sa kuryente, baka walang baterya, baka baliktad, baka out of service, baka hindi mo pa napipindot yung enter, baka nasa harap mo na ang sagot tinatalikuran mo pa, subukang humarap.
Ang misteryo ng Kompyuter.
Paano kung naharap ka sa error message na kahit si Einstein di kayang intindhin? O mas masahol pa – walang kahit anong nasa screen para intindihin kung anong sira? Itim lang. itim na sumisimbolo ng kawalan na kinakatakot mo. Wooo, creepy.
Mayroon kang tatlong maaring solusyon.
Kung nahaharap ka sa isang error message, basahin itong mabuti. Kung masyado kang nasindak at hindi mo kayang intindihin ang sinasabi ng error message, tumayo ka muna, lumayo ng kaunti sa screen, gumawa ng kape at pakalmahin ang sarili hanggang sa kaya mo nang muling harapin ang error message.
Kung nasa matinong pagiisip ka na, sundin ang gabay na nasa error message hanggang sa maging normal na uli ang lahat.
Kung di kayang intindihin ni Einstein, kailangan mo na nang tulong, tumawag sa pinakamalapit na service center, panatlihing kalmado ang boses, wag kang mahihiya kung kulang ang kaalaman mo sa misteryo ng kompyuter. Ang mga tao dito ay handang tugunan ang mga problemang gaya ng sayo.
Paano kung ayaw gumana ng sinusubukan mong gawin? Ginawa mo na ang mga hakbang na dapat mong gawin pero ayaw pa rin nitong gumana? Na parang nagkaroon na ng sariling utak yung kompyuter na nasa harap mo na pumipigil sa kung ano man ang gusto mong gawin. Wag mong hampasin, dahil wala pang naaayos na kahit ano ang paghampas. Bago mo ulitin ng panglima o pangpitong beses ang paghampas, i-save mo muna ang kung ano mang tinatrabaho mo, tapos pumunta sa Help screen.
Ang help screen na karaniwang kinokonsulta pagdating sa misteryo ng kompyuter, na karaniwan din naming hindi iniintindi. Subukang paglaanan ng oras, kung hindi mo mahanap ang hinahanap sa terminong inaasahan, subukang gumamit ng ibang terminong maaaring singkahulugan ng hinahanap mong paksa. Parang sa internet, kung porno ang hinahanap mo sa google, pwede mong sabihing obscenity, erotica, o kung bastos ka talaga, pwedeng sexual desire stimulant.
Ginagamit ang mga makabagong teknolohiya upang mas mapadali ang ating pamumuhay hindi upang mas lalong gawing kumplikado ang mga bagaybagay. Naimbento ang Telepono para sa mas madaling pakikipagkomunika. Ginawa ang kompyuter para mas mapadali ang buhay ng mga taong hayok sa kababuyan. Nilikha ang kotse para sa mas mabilis na paglalakwatsa. Mas mabilis ka nang makakapagpadala ng mga Chain letter sa daandaang tao gamit ang E-mail sa Internet.
Ang bahaging ginagampanan ng teknolohiya sa ating araw-araw na pamumuhay ay napakahalaga, ngunit hindi ito nangangahulugang dapat nating isaalangalang ang lahat sa mga makabagong makina o teknolohiya dahil tunay na mas mainam pa rin kung ikaw mismo ang gagawa ng mga ito. Wag mong hayaang makina ang magdikta sayo kung kanan o kaliwa.
Sa mabilis na pagbabago ng ating teknolohiya, ang pinakaepektibong sandata laban sa stress na dulot nito ay ang mga impormasyong tutugon sa bawat tanong, bawat bugtong na ihinaharap sayo ng mga makabagong teknolohiya. Kung mananatiling kalmado at rasyonal, ikaw mismo ang makakadiskubreng hindi ganung kahirap ang gumamit ng mouse.








