HOME | DD

Published: 2009-05-02 05:44:25 +0000 UTC; Views: 1744; Favourites: 9; Downloads: 0
Redirect to original
Description
naglilinis ako ng makita ko yung isang kahon ng mga gamit ko mula pa noong elementary ako, nakita ko yung mga luma kong notebook na walang sulat pero punong puno ng mga drowing, isang libro (na hindi ko naisoli sa school) mga test booklet .... at sa ilalim nakakita ako ng dalawang komiks yung isa aliwan at yung isa funny komiks....i could still remember, every friday pagkagaling sa eskwela nag-uunahan kami ng mga kapatid ko sa pag-uwi dahil sa funny komiks
naalala ko noon, wala pang cable tv, anim lang ang channels sa tv (8 kung magandang klase ang antenna nyo) laging nasa labas ang mga bata..naglalaro ng patintero, five ten, tagu-taguan, langit lupa at kung ano-ano pa... ang mga laruan namin halos galing lahat sa basura....(tansan, lumang tsinelas na ginagawang bangka, lata ng gatas na ginagawang kotse o kaya ay ginagamit sa tumbang preso, dahon at bulaklak ng gumamela na nilalagyan ng konting sabon at tubig para maging soapy bubbles, etc etc) halos lahat ng tao hirap sa buhay pero masaya pa din, di kailangan ng pera para maglibang, kung meron kang gustong bilhin di ka basta basta makakahingi ng pera sa magulang mo dahil kahit lumuha ka ng dugo wala naman sila ng maibibigay sayo. kung may gusto kang bilhin kailangan mong pag ipunan, ngayon... hay naku wag na lng natin pagusapan yung ngayon... mabubuwsit lng ako...
i started reading funny komiks as soon as i learned how to read when i was in grade 1 around 1991 nung una pinipilit ko pa lagi si nanay na ibili ako ng komiks pagkagaling namin sa simbahan, pero later on pinangakuan ako ni nanay na kung makaka honor ako sa school ibibili nya ko ng funny komiks every week... awa ng dyos at naging 4th honor ako nung grade 1, 4 pesos lng ang funny komiks noon, naabutan ko pa yung ending ng niknok, tapos napalitan ng eklok, tapos yung umpisa ng super blag at si petit, planet op di eyps at force 1 animax, pati sila twinkee at exhor, sila tomas at kulas (pinoy version ng tom and jerry) at syempre ang greatest pinoy komik super hero of all time si Combatron.... these guys brings back nostalgic memories of my childhood, ito ang nagpasimula ng hilig ko sa pagdodrowing,
kung merong ozamu tezuka at eichiro oda ang japan, at merong stan lee ang amerika, ang pinas merong Berlin Manalaysay,
Berlin did with one series what other komik artist could not, yung ibang komik artist jan andami daming ginawang characters pero flop lahat kung ikukumpara sa combatron,
combatron single handedly kept funny komiks alive during the 90's at nang matapos ang combatron series di nagtagal nawala na rin ang funny komiks, i personally lost interest in komiks in general ng unti unting naging parang manga characters na halos lahat ng characters sa funny komiks, nag-umpisa sa Tomas at kulas tapos yung tinay pinay, at later on yung dragon force. the Philippine komik industry was killed partly by komik artist na walang artistic integrity gaya ng gaya sa mga gawa ng taga ibang bansa, kahit na suotan nyo ng bandila ng pilipinas yang mga ginagawa nyong characters it wont feel pinoy enough dahil obvious naman na hindi pinoy ang style... merong isang grupo ng mga komik artist na nagpapauso ng pinoy comics na parang pirated version ng american comics meron pang kamukhang kamukha ni wolverine the only difference was yung pinoy version was may tattoo na parang sleeves at bisaya.... unlike yung mga characters noon sa funny komiks gaya ng sa planet op di eyps ni Ronnie Santiago unique ang style isang tingin mo lang kahit di yung main character ang tignan mo madidistinguish mo agad na gawa nya yun....
recently i have read somewhere in the internets na gagawa daw ulit ng bagong series si berlin, cobatkeizer or something...continuation ng combatron kung ako sa kanya wag na lang... combatron is enshrined in a special place within each kid who read and followed funny komiks back then. kung sa panahon ngayon isinulat at napaublish ang combatron i doubt it would be as successful...
anyways i did this as atribute to all good things of the 90's its still a work in progress i'll be including into this other combatron characters as well as other funny komiks characters
Related content
Comments: 3
pinoy-verse [2013-03-25 05:47:33 +0000 UTC]
pede bng i post yun artwork mo dito [link]
pre? thanks meron ka bng fb
para mapangalan ko syo tung artworks
👍: 0 ⏩: 1
abnormalchild In reply to pinoy-verse [2013-04-15 18:29:54 +0000 UTC]
pwede naman...may fb ako pero okay lang naman kahit di mo na i credit sakin yung picture (pasensya na kung matagal yung reply bihira na lang makapag DA eh)
👍: 0 ⏩: 0
kyoshiro151 [2009-06-29 07:01:48 +0000 UTC]
ahhh lam mo bah proud ako kay berlin dahil kahit ako idol ko yan nun bata pa me..astig un story line a un drowing may originality kaya sana maging anime sana yan proud ako dahil may originality yan ating yan combatron.....astig talga yan...
👍: 0 ⏩: 0