HOME | DD

devr13 — Paunawa
Published: 2007-05-09 15:58:59 +0000 UTC; Views: 1498; Favourites: 1; Downloads: 5
Redirect to original
Description PAUNAWA
Ang mga sumusunod na deskripsyon ay kathang isip lamang, kathang isip na hango sa katotohanan. Kung tinamaan ka man, o sapul na sapul, o headshot, o kahit ipinagkakalulong na ang kaluluwa mo dahil sa mga sinulat ko, e wala akong paki. Ang tanging layunin ng sulating ito ay magbigay ng aliw sa mambabasa, magnakaw ng ilang minuto, ilang oras sa buhay mong napakabusy, magpangiti, magpatama, mangantyaw, mangunsumi, mangulangot, magpaiyak, mambalakubak, at magbukas ng mga nakasaradong kokote. Kung kabilang ka man sa tribong tinutukoy ko, e manahimik ka na lamang sa isang sulok at magbasa. O kaya itapon mo na lang to, chaka ka magpatiwakal. (APPLAUSE)

ANG MGA SUMUSUNOD NA TRIBO AY
KATHANG ISIP LAMANG. PRAMIS. :

Magshota:

--> HHWW sabay plano kung anong klaseng kasal, saan ang honeymoon, ilan ang gustong anak, at anong posisyon. Joke lang.
--> Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati.Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway.magbabati. mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati.
--> Mag-aaway dahil di nagpaalam si babae na pupunta siya ng C.R.
--> Mag-aaway dahil nakipag-usap si lalake sa babaeng kambing. Nagselos si babae.

Torpe:

--> Makakasalubong ang nililigawan, which will cause him to enter the stage of Tachychardia. Aatakihin sa puso. Maninigas ang dila na kahit anong pilit mong magsalita e para kang tiningnan sa mata ni medusa at nagging bato na ang dila mo. Para kang sinuotan ng straight jacket kaya di ka makakilos kahit parang gusto mo na siyang sunggaban mula sa likod at isigaw sa tenga niya within 1000 decibels na mahal mo siya.
--> Makakasalubong ang nililigawan, which will cause him to enter the stage of Tachychardia. Aatakihin sa puso. Maninigas ang dila na kahit anong pilit mong magsalita e para kang tiningnan sa mata ni medusa at naging bato na ang dila mo. Para kang sinuotan ng straight jacket kaya di ka makakilos kahit parang gusto mo na siyang sunggaban mula sa likod at isigaw sa tenga niya within 1000 decibels na mahal mo siya.
--> paulit-ulit lang. paulit-ulit lang. parang deja-vu. parang deja-vu. Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos. Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos. Maninigas lang siya na parang bato sa sulok. Habang yung nililigawan niya e ikakasal na sa bespren niya.

Two timer:

--> nagagalit kapag pinagdududahan ng girlpren o boypren nya.
--> Dakilang writer. magaling sa paggawa ng storya. Kung ikukumpara mo kay Sidney Sheldon, J.K Rowling, Bob Ong, Hans Christian Anderson, J.R.R Tolkien, at sa barbero, para mong kinumpara ang two timer sa retarded dahil sa galing nitong magpalusot este gumawa ng storya.

Ilusyunado/ Ilusyonada:

--> Mga taong nabubuhay sa mundo ng mga Unicorns, Fairies, Dwarves, Dragons, Mermaid, Shokoy, Tikbalang, Manananggal at Undin. Nakatira sa mundo kung saan lahat ng imajinin mo pwede. Kaya lang, hanggang imajin ka lang.
--> Kung anu-anong kinikwento sa mga kaibigan na taliwas sa katotohanan, mga kwentong napakaimposibleng mangyari.
--> Ang hobby niya ay pangangarap.
--> katulad ni Two timer, magaling rin silang gumawa ng storya. They mostly write about “Fantasy”

Stalker:

--> eksperto sa paggather ng data, kahit pinakamaliit na impormasyon gaya ng kung ilan ang alaga niyang kuto sa buhok niya, anu-anong species, ilan ang mga galamay nito at kung gaano sila kabilis magmultiply araw-araw. Pati schedule ng menstruation cycle kabisado nila.

Basted:

--> Kung ang linya niya ngayon e: “Angel ba pangalan mo? Kasi you look like one.”
Pag nabasted: “P()TA11g Babae yan! Balita ko may lahing mangkukulam daw yan e! buti na lang di ako sinagot noh? noh?!”
 Maga ang mata, namumulang ilong. Nag-uusap kayo ng tungkol sa Ghost Fighter tapos bigla bigla na lang mapupunta ang usapan nyo sa mga bagay tulad ng kung gaano kasarap panoorin ang paglubog ng araw, ang mga huni ng ibon, pagaspas ng mga dahon, pag-agos ng ilog na animo’y awit na kumukurot sa bawat puso ng kung sino mang makakarinig nito. Tapos iiyak.

Obsessed:

--> Mas mataas ng kaunti ang breed ng tribong ito kesa sa sa mga Stalker. Bukod sa pareho silang magling sa paggather ng data, infos, at chismis, mas harmful ang mga kasapi sa tribo nito.
--> Simple lang ang kaligayahan nito sa buhay. Masinghot lang ang panghi ng ihi ng iniirog niya,
Malanghap at mayakap lang ang upuang inupuan ng labs niya, mapadaan lang sa street na dinaanan ng crush niya, madampi lang ng hangin na humaplos sa mukha ng iniirog niya e pwede na niyang wakasan ang buhay niya sa sobrang saya.
--> kung makakaexperience ka ng close-encounter sa tribong ito, wag kang magugulat kapag nakapasok ka sa kwarto nila, dahil normal na sa kanila ang paglalagay ng ginupit na kuko, hibla ng buhok, libag, balakubak, at kulangot sa Zip lock na plastic na galing pa sa mga kinababaliwan nila. At kung mayaman ang tribong nakasalamuha mo di malabong pati DNA structure nito e pinag-aaralan niya.

Friendster:

--> kinakaibigan (binebespren) muna bago ligawan. Gaya ni blah blah at blah blah blah blah blah blah blah blah blah bablagah, bleh blah blah badah! Blah blah blah.. blah! (ANG PARTENG ITO AY SADYANG SINENSORD PARA DI MAKILALA KUNG SINO ANG MGA GUMAGAMIT NG GANITONG PARAAN/ISTILO AT KUNG SINOSINO ANG MGA KASAPI SA TRIBONG ITO.) (FADE OUT..)




Describe yourself: judge me.

Favorite virus:cytomegalo virus, papilloma virus, papova virus

Favorite Dodge ball player: many to mention

Define love: love is a feeling the you feel when you are going to feel a feeling that you've never felt before.

Yan ang palagi kong sinusulat sa mga slum book ng klasmate kong babae’t bakla nung elementary. Ganda noh? pero hindi ko yan naintindihan dati, Minemorize ko lang. para incase na tanungin ako ng crush ko kung anong ibig sabihin ng lab, e may isasagot ako. Mukha pa kong genius kapag yan ang sagot ko. May history yan e. (FADE OUT then FLASH BACK) napulot ko yang definition na yan nung minsang mag overnight kami sa isang beach sa Tarnate. Nakavandal yan sa headboard ng kamang tutulugan ko nung araw na yun. Sinubukan ko nang ipahanap sa NBI, CSI, BSP, at sa DSWD yung nagsulat nung makabagbag damdaming quote na yan, pero wala silang mahanap na magmamatch dun sa fingerprint na nakita namin sa headboard.

Siguro sa mga sandaling ito na binabasa mo ang sinulat ko, e kumakain siya ng fishbol, iinom siya ng coke kasi maanghang yung sinawsawan. Marahil, hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa’t anak. Hindi na siguro siya nagkaroon ng boypren o girlpren dahil sobra siyang naapektuhan dun sa sinulat niya sa headboard ko. Theory ko lang yan a.

“Leave me alone!” commercial ng chippy dati na tungkol sa basted. Akalain mong mararanasan ko palang mabasted? Akalin mo?! Sa gandang lalaki kong to?! Tsktsk.. Hindi naman niya ipinangalandakan sa buong baranggay nila o sinabi sakin directly na basted ako,. Pero parang ganun na rin yung nangyari. Pirs time kong manligaw nun. 2nd yr. high school. Itago na lang natin siya sa pangalang Marimar. Isang taon ko ring niligawan yun. Kahit na mukha akong tsimay sa kakaligaw sa kanya. Tuwing uwian, bitbit ko na kagad ang bag niyang parang may library sa loob, tapos ihahatid sa sakayan ng jeep. 365 days kong ginawa ya. Nagsimula kaming magkalabuan nung minsang magkaroon kami ng group date ng mga kaklase ko. Kasama ako chaka si Marimar. Naalala ko pa nga na Harry Potter and the chamber of secrets yung dapat naming panoorin.
**ANNOUNCEMENT**
Nga pala, para sa mga fans ng HP, yung book 7 na deathly hallows ang title e irerelease na.. sa July 21, 2007.
**END OF ANNOUNCMENT**
Excited ako shempre. Pogi ba naman ni Daniel Radcliffe. At shempre dahil nanliligaw ako, ako ang taya, 90 pesos pa lang ang ticket noon sa sinehan tapos bigla niyang ipapakilala sakin yung katextmate niya na ka-eyebol niya raw nung araw na yun. Kakagulat noh? di naman siya gaanong kagwapuhan. Muka ngang paa na maraming kulugo e.

At eto pa ang masaklap. Nagyaya daw yung mukhang paa este yung ka-eyebol niya na manood ng Lord of the rings. E sobrang haba nung pila sa ticket booth ng LOTR. Kaya kinailangan nilang lumipat ng mall. Ako? Iniwan nilang nagiisa. Broken hearted. Kung hindi lang ako takot sa matataas na lugar e tinalon ko na yung 4th floor. Pero kahit ganun ang nangyari, nanood pa rin ako.
Simula nun, nanlamig na ang pakikitungo ko sa kanya. Hanggang sa magtext siya sakin isang araw, nung summer ng 2nd year na basted nga ako, pero hindi niya direct to the point na sinabi na basted ako, tinatamad lang kasi akong magsulat kaya hindi na natin pagkukwentuhan yung eksaktong sinabi niya. I-assume na lang natin na basted nga ako. Basted.. Basted..Basted!! nyahahaha! Sinong basted?! Ulol!

Hindi pa jan nagtatapos ang masalimuot kong lab story. Dahil nagkaroon pa ko ng girlpren sa school na nilipatan ko nung 3rd year. Itago na lang natin siya sa pangalang Ranier Castillo, babae yan a, babae, Ba-ba-e. ibang case naman to. Dahil hindi ako nabasted ditto. Oo, hindi ako nabasted kaya naging kami. Apat na buwan ko siyang niligawan. Palitan ng lab letter, textex (Michoy accent) Sabay pa kaming nag-abang ng shooting star, ang masaya nito e umuulan habang nag-aabang kami, kaya puro ulap. Pero wa kami paki. Magkatex naman kami hanggang 2am kahit wala kaming nakita. Sweet noh? para kaming tanga. Alam na ngang umuulan pinipilit pang may shooting star. Matapos nun nagkabukuhan, nanligaw ako, naging kami, tapos nagbreak.. bigla na lang nawala na parang bula. Naks, rhyming.

Yung nangyari samin e parang yosi break lang. magsisindi ka ng posporo, tapos dadaan yung malakas na hangin, mamatay yung apoy, magsisindi ka uli, hahangin, magsisindi, hahangin, hanggang sa mawalan ka na ng ganang sindihan uli yung yosi.

LEGEND:
AKO = Tagasindi ng posporo
3rd party = hangin

Sabi nga sa text na nabasa ko “Each pearl is formed by an oyster’s internal reponse to a wound caused by an irritant, such as a grain of sand. Resources of repair rush to the injured area. The final result is a lustrous pearl. Something beautiful is created that would have been impossible without the wound. So when seemingly needless sufferings invades our lives, Remember: NO WOUNDS, NO PEARLS” parang “NO PAIN, NO GAIN” “NO GUTS, NO GLORY” “NO I.D. NO ENTRY” “NO RETURN, NO EXCHANGE” “NO PERMIT, NO EXAM” simpleng logic, kailangan mo munang masaktan, madapa, masugatan, matapilok, mauntog, at masaksak sa lungs bago mo maintindihan ang tunay na kahulugan ng Transubstantiation. Joke lang. simpleng logic, kailangan mo munang masaktan, madapa, masugatan, matapilok, mauntog, at masaksak sa lungs bago mo maintindihan ang tunay na kahulugan ng PAGIBIG! (APPLAUSE. Sabay tutugtog yung kantang what the world need now is love, sweet love..)

Kaya kung wala kang date ngayon, hindi ibig sabihin nun e pangit ka, mukha kang tuod o palaka, sa laki ng ngipin mo sa harap e nagmumukha ka ng rabbit, o kaya sa dami ng tigyawat mo sa muka e nagmumukha ka ng malaking pigsa. Hindi ganon, wag kang mag isip ng ganyan. Ibig sabihin lang nyan e marami ka pang dapat matutunan para magkaroon ka ng sarili mong definition ng lab. Hindi katulad ko na namulot lang. Sa mga may date, nakakaingit man kayo,.e sigurado ba kayong walang kerida yang shota niyo? Sigurado ba kayong mahal talaga nila kayo? O baka pera lang ang habol niya sayo. Pagisipan mo kung itutuloy mo yang date niyo. Advice lang yan a.

Para sa mga sanggol na kakasilang pa lamang na nagbabasa nito, Ayon kay Albert Einstien ang infatuation/crush ay ang pagfocus sa iisang katangian ng tao. Ayon naman kay Benjamin Franklin ang Love daw e… blind.



-devr13
Related content
Comments: 15

rivski [2007-05-12 23:41:08 +0000 UTC]

oi, sobrang astig netong compo mo. malupet!
sana mawala na sa mundo ung mga torpe! hahaha, dedma sila, super bongga nila, hmp..

pero sobrang naenlighten ako sa sinulat mo. magaling.. siguro hanggang ngaun wala pa rin ako, o hinde ko pa rin alam ang kahulugan ng transubstantiation.. aalamim ko nga toh.. balang araw..

👍: 0 ⏩: 1

devr13 In reply to rivski [2007-05-16 13:33:33 +0000 UTC]

teka, wag kang ganyan.. parang sinasabi mong "sana mawala na sa mundo yung mga katulad MONG torpe" masakit yun a..^_^

teka, explain ko sayo, ang transubstantiation ay ang nyeh nyah nyah nyeh nyeh nyeh nyark ngyayayayayaya. bleh blahlblah, pwe pwe. blagak.

salamat..^_^ sumasakay ka ba ng lrt o mrt o kaya nman pnr?

👍: 0 ⏩: 1

rivski In reply to devr13 [2007-05-16 14:56:03 +0000 UTC]

lrt pre!

👍: 0 ⏩: 1

devr13 In reply to rivski [2007-05-16 15:51:26 +0000 UTC]

yun! sakto pare! may sinusulat ako tungkol dun, hintayin mo a..sana mabasa nyo..

👍: 0 ⏩: 1

rivski In reply to devr13 [2007-05-16 16:08:40 +0000 UTC]

ahahaha! naalala ko tuloy ung bomb threat na naranasan ko. hahaha, leche, sira lang pala ung tren, umuusok na kasi bulok na! XD

👍: 0 ⏩: 0

ryan-alcoriza [2007-05-12 05:22:06 +0000 UTC]

haha nakakatawa.
kaso hindi ko binasa nang buo kasi may ginagawa pa akong pananaliksik.
siguro saka na lang.

👍: 0 ⏩: 0

hildegarde [2007-05-10 07:02:34 +0000 UTC]

lufet tlga...! woo!

👍: 0 ⏩: 1

devr13 In reply to hildegarde [2007-05-10 12:21:51 +0000 UTC]

haha..^_^_^ tenkyu po..

👍: 0 ⏩: 0

randyvaliente [2007-05-10 04:16:07 +0000 UTC]

hahahaha...nice!!!!!
aliw!

👍: 0 ⏩: 1

devr13 In reply to randyvaliente [2007-05-10 05:07:40 +0000 UTC]

salamat..^_^

👍: 0 ⏩: 0

sylviuos [2007-05-09 19:21:11 +0000 UTC]

WAHAHAHAHA!... hang lefet mo tol!..
na wala streszz ko dun ahh!..

👍: 0 ⏩: 1

devr13 In reply to sylviuos [2007-05-10 05:04:57 +0000 UTC]

haha.. salamat sa pagsasayang ng oras para basahin to..^_^

👍: 0 ⏩: 1

sylviuos In reply to devr13 [2007-05-10 13:19:45 +0000 UTC]

hehehe!.. sarap basahin!.. tanggal talaga antok ko!..

👍: 0 ⏩: 1

devr13 In reply to sylviuos [2007-05-10 13:37:38 +0000 UTC]

haha, ^_^ tnx chong..^_^

👍: 0 ⏩: 1

sylviuos In reply to devr13 [2007-05-12 19:24:11 +0000 UTC]

hehe!.. ur welcome poh!..

👍: 0 ⏩: 0